Love Story Sep 20, 2008 | kailashane please allow me to share this very inspiring story although its not a happy ending yet i would say it was a true love...this happen way back i think year 1999 or 2000. This was a love story of our friends as in nakakaiyak sya pero totoong nangyari...We met this guy (di ko na sasabihin name nya para na rin sa ikatatahimik ng kaluluwa nya) in high school days, me and my best friend ay talagang close sa kanya kasi as in mabait sya di ko na lang sasabihin name ng president ng Pilipinas na kapangalan nya at kaapelyido. Mas matanda sya ng ilang taon sa amin at talaga namang ala kaming maipipintas sa kanya kasi sobrang bait nya at talagang "Kuya" sya naming lahat. May gf na sya ahead sa amin ng 4 years pero kasing edad lang sila. After graduation namin ikinasal silang dalawa umattend kami ng best friend ko saksi kami kung ganu nila kamahal at kung ganu sila kasaya ng araw na yun. Nang college ako pumupunta pa din kami ng best friend ko sa bahay nila nagluluto ng tanghalian at dun kumakain. After college naging busy na me sa work kaya di na kami nakakapunta sa kanila, hanggang isang araw nabalitaan namin na nagpakamatay si kuya may suicide note daw na nagsasabi di nya nakayanan ang problema...bago kasi yun naoperahan ang asawa nya dahil nagkaroon ng problema sa matris nya kinailangan nila mangutang ng malaking halaga para sa operasyon kaya lang ng matapos na ang operasyon naniningil na ang pinagkakautangan nila kaya di nya nakayanan...yun ang sabi nila, ng pumunta kami sa burol sinabi naman ng asawa nya na binilhan pa sya ng tinapay ng asawa nya bago pumunta sa bukid AT nagpakamatay...hanggang ngaun malabo pa din ang rason..ng ilibing ang asawa nya nakita din namin kung ganu nalungkot at umiyak ang ate namin nakita ko din kung paanung alang pandidiring hinalikan nya ang bangkay ng asawa nya..halik na para bang buhay pa ang hinahalikan nya at halik na makikita mo kung ganu nya kamahal yung asawa nya. Lumipas ang mga araw nabalitaan na lang namin na talagang pinabayaan na din ng ate namin ang katawan nya dahil nga galing sa operasyon mabilis din bumigay ang katawan nya..kung di ako nagkakamali 2 buwan lang ang pagitan nila ng asawa nya. Alam ko na ngaun kahit na di sila nagkasama ng matagal dito sa lupa alam ko na masaya sila ngayon dahil magkasama na sila sa kabilang buhay. pag nadadaanan ko nga ang bahay nila di ko maiwasan na isipin at maalala ang mag asawa. hayss...di talaga natin masasabi ang buhay nakakahanga ang pagmamahal ni ate kay kuya although panget ang paraan nya para makasama ulit ito...minsan tuloy naisip ko...ako ang hiling ko lang sa magmamahal sa akin kahit di sya yung tipong magpapakamatay para sa akin yung tipong di nya lang ako ipagpapalit habang nabubuhay sya ay sapat na..(nakss ang drama ng lola!!hehehe) COMMENTS |