Mail thisDrawing
Aug 15, 2008 | kailashane
allow me to share again one story and hoping even in tagalog version di ko nababoy yung original story...hehehe

Ngayon ang araw ng pagbabalik ko sa lugar na nagpapaalala parin sakin ng sakit ng lumipas..habang nagdradrive ako ng kotse ko pabalik sa probinsya namin di ko maiwasan isipin ang nakaraan...kahit na ngayong nagtagumpay na ako at nakarecover na din ng sakit ng aking puso sa pangingibang bansa, andun padin ang lungkot na aking nararamdaman...
Naaalala ko pa noon, isang araw masaya kong hinihintay sa park ang boyfriend ko habang nakaupo ako sa isang bench na naka harap sa dagat.."honey andito na ako" isang malambing na tinig ang nagpalingon sa akin..pag lingon ko nabungaran ko ang mukha ng aking mahal, na ewan ko ba kung bakit kahit kung ilang ulit ko tong nakikita di padin mawala ang kaba ko at paghanga sa kanya, pakiramdam ko araw araw lalo ko syang minamahal,...tumayo ako at sinalubong sya "honey andyan ka na pala,upo tayo dun may ibibigay ako sayo...(pagkaupo namin inabot ko sa kanya ang isang papel na nakarolyo)"anu to?" tanong nya "buksan mo, ginawa ko yan para sayo" (binuksan nya lang ang papel at walang reaksyon na mababakas sa kanyang mukha) "maganda hon,salamat...pero may gusto akong sabihin sayo", "ha?anu yun,hon?", "hon MAY IBA NA AKONG MAHAL" (halos mabingi ako sa sinabi nya,bigla na lang tumulo ang luha ko at tinanong ko sya ng) "Bakit?", "kasi hon mas mahal ko sya kesa sayo at..." di ko na tinapos ang sasabihin nya nagtatakbo na lang akong lumuluha paalis sa lugar na yun at di ko alam kung panu ako nakauwi...basta ang sumunod na pangyayari ay sinumpa ko sa sarili ko na MAGSISISI SYA dahil iniwan nya ako at pinagpalit sa iba, pinagsikapan ko na makapunta sa abroad kahit na magpa alila ako, at swerte na nakapagmigrate ako sa Canada. At ngayon ngang araw nang pagbabalik ko...ewan ko pero gusto kong ipamukha sa kanya ang pagkakamali nya nang iwan ako...naputol ang aking ala-ala ng mapansin ko ang isang partikular na mukha ng isang matandang babae, na naglalakad sa daan..hininto ko saglit ang kotse ko at tinawag sya..."nay,musta po", (tinitigan nya ako at tsaka ngumiti) "ikaw pala yan,di kita nakilala, kumusta ka na?", "san ho ba kayo tutungo hahatid ko na po kayo" habang sa daan ay di ko maiwasan na tanungin ang nanay ng dati kong bf kung kumusta na sya?, ngiti lang ang sinagot ng nanay nya at tsaka sinabing "pwede ka bang bumaba saglit sa pupuntahan ko may ibibigay at ipapakita lang ako sayo" ,"sige po" nagtaka ako bakit sa sementeryo nagpahatid ang nanay nya, pilit ko mang isipin ay di ko maalala kung sino ang dadalawin nya dun, ng bigla kaming huminto sa isang puntod ako'y nagulat at napaluha ng mabasa ko ang pangalan ng ex ko na nakasulat doon at napansin ko rin ang isang drawing ng mukha ng bf ko na pamilyar sakin na nakapatong sa puntod..yun yung papel na binigay ko sa kanya ng magbreak kami..."alam mo iha mahal na mahal ka ng anak ko kaya ng malaman nya na may taning na ang buhay nya di na nya sinabi sayo, ayaw nya na masaktan ka kaya nagsinungaling sya ..ala syang ibang minahal kundi ikaw.Lagi nyang tinititigan ang drawing na bigay mo at laging katabi sa pagtulog."
Hindi pala totoong pinagpalit nya ako, ng naghihirap pala sya bago mamatay yun yung panahon na galit na galit ako sa kanya...di ko man lang napakita sa kanya na mahal na mahal ko sya.

Masyadong madrama tong kwento na to pero di ko malimutan kaya siguro pag nagmahal ako pinaparamdam ko talaga na mahal ko sya kasi who knows daba? baka its too late para maramdaman nya pagmamahal mo.
hope na magustuhan nyo...di po ako ang original writer ng story na to nirevive ko lang po..
COMMENTS
VON..:XJan 03, 2009awts!nakakaiyak ='(
emptyDec 31, 2008nice...
kailashane Oct 04, 2008tnx po nirevise ko lang po yan..kakatuoch talaga sya...
mhavz Oct 03, 2008nalungkot nman ako sa story na2!napaiyak 2loy ko!
victoriamaeOct 03, 2008i agree... kaka touch talaga. nasa office ako pero naluluha ako habang patapos na ang storya
kervin Sep 03, 2008haba nmn yan ang corny pa
apostola Aug 28, 2008sana original lovestory mo na lang....mas maganda...
kailashaneAug 27, 2008kwento lang din sakin yn ng dating kachat ko..tnx
perl Aug 26, 2008nice story!! nkktouch xa....
bhabylei04@yahoo.com Aug 25, 2008grabe ang ganda namn...

Video Search
Share This
  • Digg
  • Technorati
  • StumbleUpon
  • del.icio.us
  • Facebook
  • NewsVine
  • ISIGAW MO
    Who's Online
    Guests[9]