. . .
What if....
WHAT IF BOYS HAVE PERIODS? would they also say.. -“Pare, may tagos ba ako?” o kaya.. -“pare, ayoko muna mag basketball.. meron ako ngayon eh!” eto pa.. ...-“Pare, bukas na lang tayo mag DOTA.. sakit ng puson ko eh!” at ang matindi sa lahat.. Tol, may extra napkin ka ba? pahingi muna, yong with WINGS ha? :)))))))) |
|
|
Agaton Ipinanganak at lumaki si Agaton sa Malalim na Sapa.
Nakapag-aral sa Maynila, at harinawa ay nakatapos ng abogasya. Ngayon ay naisipan nyang bumalik sa kanilang bayan at duon mag-praktis ng pagiging isang abugado. May kaunti din naman syang naipon, kaya nagbukas sya ng isang munting law opis.
At dahil maliit na bayan lang naman ang kanyang pinanggalingan, big time sempre ang dating nya, ala ay abugado eh.
Pero tahimik sa bayan nila, mahina ang negosyo. Bihira ang nangangailangan ng kanyang serbisyo.
Isang araw, may nakita syang paparating na mama. Kailangan nyang magpasikat para siguradoong makakakuha sya ng kliyente. Kaya habang papasok ang mama sa kanyang law opis, pinik-ap nya ang telepono at nag-astang may kausap habang pinapasok nya ang nasabing mama.
“Pero kumpadre, hindi ako papayag. Sabihin mo sa mga talipandas mong kliyente na hindi kami makikipag-areglo sa halagang hinihingi ninyo. Papayag lamang kami kung ibibigay ninyo ang hinihingi ng kliyente kong 300,000 pesoses,” sabi ni Agaton.
“At oo. Inabisuhan na kami ni Kapitan JemJem na matutuloy ang kaso kung hindi tayo magkakasundo ngayong linggo na ito.” “O sige, atorni, sabihin mo sa kliyente mo na masyadong kuripot yung 40 mil na iniaalok ninyo. Sarado ang hinihingi namin, 300,000. Teyk it or leave it!” yabang pa ni Agaton.
Ilang minuto ding nagdadadaldal si Agaton sa telepono habang tahimik namang nanonood sa kanya ang lalaking dumating. Matapos sa kanyang blah blah, ibinaba rin sa wakas ni Agaton ang telepono.
“Naku, pasensya na po at medyo naghintay kayo. Busyng busy kasi ako sa kliyente ko eh. Ano po bang maipaglilingkod ko?”
Sumagot naman ang mama sabay hila ng wire sa kanyang likuran..
“Bayan Tel po. Ikakabit ko lang po ang telepono ninyo.” |
Payabangan Girl: Bayad…
Driver: Ilan tong 50?
Girl: Isa lang kuya, Estudyante, Nursing sa Ateneo, Kasasakay lang
Boy: (Nayabangan. Nagbayad ng 500) Manong Bayad..
Driver: (Galit) Ilan tong 500?
Boy: 1 lang, Keep the change. Seaman, Kadarating lang.
Sira Ulo: (Tumawa, Inabot ang 1000) Manong Bayad…
Driver: (Galit na galit) Peste! Ilan tong 1000?
Sira Ulo: Tatlo, Isama ang Nurse at Seaman. Keep the change. Galing Mental kalalabas lang. |
Erap at a Restaurant ERAP (Sa Assistant): Kunin mo na yung bill at may miting pa ako sa malacanan.
Assistant (Sa Waiter): Bill po!
Waiter: Heto po sir.
Assistant: Mr. President, the bill is 50,536 pesos.
ERAP: Anak ng... Ba't ang mahal naman!
Assistant: Sir, we're paying for the ambience kasi.
ERAP: Oh! Sino naman sa inyo um-order ng ambience! Bad trip naman oh!
|
SANA MALI Sana MALI nalang ako...
kasi, kailanman, palagi nilang iniisip na wala na akong ginawang TAMA!!!!!!!!!!!!!!! :C |
|
. . .